Searching...

PA

Bayan ng Moncada sa Tarlac nananatiling coronavirus-free

Bayan ng Moncada sa Tarlac nananatiling coronavirus-free



MAYNILA - Alerto pa rin ang bayan ng Moncada sa lalawigan ng Tarlac kahit na wala pa itong naitatalang positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa panayam sa DZMM nitong Martes, sinabi ni Mayor Lita Aquino na may tinututukan silang 1,396 persons under monitoring at 19 na persons under investigation.
"Sa awa ng Diyos, COVID-free pa rin kami sa Moncada," ayon kay Mayor Lita Aquino.
Paliwanag ni Aquino na ang kanilang PUMs ay ang mga residenteng nanggaling sa labas ng Moncada at kasalukuyang sumasailalim sa 14-araw na quarantine.
Ang mga PUI naman ay mga taga-Moncada na galing ng ibang bansa at bumalik sa kanilang bayan.
"Ina-allow naman namin silang lumabas para bumili ng gamot pero we don't allow them to go to Pangasinan kasi may mga nagka-virus na doon," sabi niya.
Sa ngayon aniya ay naka-partial lockdown ang kanilang bayan at naglatag na rin ng 4 na controlled points.
Pinabulaanan din niya ang kumakalat na balita sa social media hinggil umano sa ibinebentang home quarantine pass.
"Hindi naman namin ginagawa 'yun. Hindi totoo ang mga balita na pinababayaran," sabi niya.
Paglilinaw ng alkalde na bukod sa 9 na barangay na may copiers, sila na ang gumawa ng ibang household quarantine pass at ngayon pa lang din idi-distribute ang mga ito ng mga barangay officials.

0 Comments:

Post a Comment